-- Advertisements --

LA UNION – Umaani ngayon ng paghanga ang isang lalaki nang isinauli nito ang cash assistance na kanyang natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Dandy Viscara, residente ng Barangay Naguirangan, San Juan, La Union, doble kasi aniya ang kanyang natanggap na ayuda.

Sakto kasi aniya na nang maibigay sa kanya ang P5,000 cash assistance mula sa SAP ay natukoy naman na napasama na rin pala siya  bilang bagong miyembro ng 4Ps.

Iginiit ni Viscara na hindi niya maatim na kuhanin tanggapin ang dumobleng ayuda para sa kanya dahil hindi naman aniya siya gahaman.