Umaabot sa kabuuang 1,344 pamilya o 4,646 indibidwal ang apektado ng nagdaang severe tropical storm Florita basi sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Isa sa pinakaapektadong probinsiya ang Cagayan kung saan umabot sa 8.6 metro ang taas ng tubig-baha sa Barangay Tupang Bangkero sa bayan ng Alcala.
Ayon sa NDRRMC, nasa 311 pamilya o 956 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 19 na evacuation centers sa buong bansa.
Nasa 190 pamilya o 390 indibidwal ay mga residente ng Aparri, Baggao, Gattaran, Gonzaga, Iguig at Lal-lo sa Cagayan.
Iniulat din ng NDRRMC na walang naitalang casualty sa kasalukuyan dahil sa nagdaang bagyo bagamat may tatlong residente mula sa Cagayan ang nagtamo ng minor injuries dahil sa mga natumbang punongkahoy.