-- Advertisements --

Aabot lang sa 475 mula sa 48,000 bilanggo sa pitong prison facilities ng Bureau of Corrections (BuCor) sa iba’t ibang panig ng bansa ang bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel P. Chaclag, ang mga nabakunahang persons deprived of liberty (PDLs) ay pawang mga senior citizens.

Hindi rin aniya lahat ng mga tauhan sa mga prison facilities na ito ang bakunado na kontra coronavirus.

Paliwanag ni Chaclag, dependent sila sa vaccination program ng mga local government units kung saan matatagpuan ang mga prison camps na ito.

Kaya naman umaapela siya sa mga LGUs na isama ang mga bilanggo at prisons personnel sa kanilang vaccination program.