CEBU CITY -Nakatakdang iaanunsyo ni Mayor Mike Rama at ng mga paring Augustinian ang naging napag-usapan sa pagpupulong ngayong araw, Setyembre 1, ng Cebu City government kasama ang executive committee member ng Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.
Ito ang naging una nilang pagpupulong para sa ika-458th Fiesta Señor na nakatakda sa Enero 2023.
Bahagi pa ng tinalakay ay ang papayagang kapasidad at ang posibleng pagbabalik ang mga religious activities gaya ng fluvial at dawn procession, novena, traslacion at grand procession.
Hinihintay pa sa ngayon ang opisyal na pahayag mula sa Basilica para sa posibleng pagpapatuloy ng mga in-person activities.
Nauna nang inihayag ni Rama na handa na ang lungsod na muling magdaos ng Sinulog Festival sa susunod na taon.