-- Advertisements --

Nasa 45 pang national roads sa buong bansa ang isinara dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Paeng.

Ayon kay Department of Public and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, malaki ang pinsala ng bagyong Paeng sa mga kalsada dahil malawak din ang naapektuhan ng bagyo mula Luzon hanggang sa Mindanao.

Maliban sa mga isinarang mga kalsada ay mayroon din umanong partially passable na mga kalsada.

Dagdag ng opisyal na ang clearing operations ay nagpapatuloy pa rin partikular sa mga pangunahing kalsada para maihatid ang mga tulong maging ang relief operations.

Sa ngayon, ang tanging hamon lamang daw ng DPWH sa kanilang operasyon ay ang pagsasaayos sa mga nasirang tulay at kalsada sa Antique mula Iloilo.