-- Advertisements --
Todo pasalamat si Phoemela Baranda matapos ang ligtas na pagsilang sa baby No. 2 nila ng kanyang partner at professional race car driver na si Jason Choachuy.
Nabatid na isa sa bumagabag kay Phoem noong ianunsyo ang pagbubuntis muli matapos ang mahabang panahon, ay ang kanyang edad bilang 40-years-old na.
Una siyang nagkaanak noong 19-anyos pa lamang, at ngayo’y 22-anyos na ang panganay nito na isa ring babae.
Planado aniya ang naging pagbubuntis sa pagkakataong ito kung saan siya ay “mentally prepared” at nagpaalaga ito sa kanyang OB-Gyne.