Balik operasyon na ang 40 public utility buses sa ilang lugar sa Mindanao simula Disyembre 27.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga bus na ito ay may ruta na Cagayan de Oro City patungong Tacurong, Sultan Kudarat; Davao City patungong Arakan, North Cotabato; at Davao City patungong Kidapawan City o vice-versa.
Nauna nang pinayagan ng LTFRB ang pagbiyahe na ulit ng 440 provincial buses sa Luzon.
Sa ngayon, sinabi ng LTFRB na 1,600 provincial buses ang balik kalsada na.
Kamakailan lang ay inaprubahan din ng pamahlaaan ang pagbalik nang operasyon ng mga provincial buses na may point-to-point routes.
Pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga drivers at operators na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad nang mga safety protocols kabilang na ang pagsuot ng mga face masks at face shields, one-seat-apart rule, at iba pang health protocols.










