Nagpa-deport pa ng libu-libong mga indibidwal ang Russian forces mula Mariupol patungo sa Russia,
Ayon kay Mariupol Mayor Vadym Boichenko, nasa 40,000 na mga Ukrainian ang ipinadala ng mga tropa ng Russia patungo sa kanilang bansa.
Aniya, una na nilang nagawang ma-verify ang listahan ng mga indibidwal na ipinadeport sa Russia pero sa ngayon ay hindi na nila ito makuha muli nang dahil sa itinago na raw ng Russian forces ang mga listahan ng mga ito.
Dagdag pa ni Mayor Boichenko, ang naturang mga indibidwal na pinapadala ng Russian military patungo sa iba’t-ibang bahagi ng Russia o sa Siberia ay ginagamit nila para pagtrabahuhin sa iba’t-ibang mga trabaho lalo na’t binigyan nila ang mga ito ng certificate of ressetlement na sangkot sa mga tinatawag na “humiliating work”.