Patay ang apat katao habang lima naman ang nawawala kasunod sa nangyaring pagsabog na siyang dahilan para gumuho ang apat na palapag na apartment building sa Sicily sa Italy.
Aton sa mga otoridad, dalawang babae ang nagawang masagip nang buhay sa nangyaring pagguho sa bayan ng Ravanusa, pero patuloy naman sa paghahanap ang mga rescuers na gumamit na ng mga sniffing dogs.
Sinabi ng mga otoridad na posibleng gas leak ang dahilan nang pagsabog, pero kanila itong iniimbestigahan pa sa kasalukuyan.
Kasunod ng nangyaring pagsabog, umapela naman si Ravanusa Mayor Carmello D’Angelo sa mga mayroong kagamitan tulad mga pala at bulldozers na kung maari ay ipahiram ito sa mga otoridad o tumulong na rin sa paghahanap.
Nabatid na nasa 50 katao ang inilikas dahil sa insidenteng ito.