-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 Omicron subvariants ang 4 mula sa 8 Pilipino na hindi pa nabakunahan na dumating sa bansa mula China na kasalukuyan pa ring nakararanas ng paglobo ng Covid-19 cases dulot ng subvariants ng Omicron
Ayon kay Department of Health (DOH) director Alethea De Guzman, na-detect sa tatlong pasyente ang Omicron subvariants na BF.7 habang ang isa naman ay BA 5.2 bagama’t hindi aniya bago ang nasabing mga variant.
Batay sa website ng World Health Organization, ang mga subvariant ng Omicron na BF.7 at BA 5.2 ay ang dominated local infections sa China.
Habang inaalam pa kung dinapuan din ng Omicron subvariants ang apat na iba pang nauna ng naiulat na nagpositibo sa Covid-19.