-- Advertisements --

Nasa apat na mangingisda na Vietnamese national ang inaresto dahil sa illegal fishing sa may Pag-asa island sa Kalayaan, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nahuli ang mga ito na gumagamit ng sodium cyanide na isang poisonous compound sa kanilang fshing activities sa karagatang sakop ng bansa.

Naharang din ng PCG, Philippine Navy at Philippine National Police Maritime Group ang fishing vessel ng mga banyaga na isang maliit na bangka na equipped ng compressor.

Nabatid batay sa isinagawang panoramix examination sa apat na mangingisda, nakumpirma ayon sa PCG na isa sa mga ito ay minor na nasa edad 16 hanggang 18 anyos.

Sa ngayon nananatili sa kustodiya ng gobyerno ng Pilipinas ang nasabing mga dayuhan para sa karagdagang imbestigasyon at maayos na disposisyon dahil sa paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998.