-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad ng Sto. Tomas, Davao del Norte, para sa ilang indibidwal na sinasabing na-trap na gumuhong tunnel.
Batay sa impormasyon, may lalim na mahigit 90 talampakan ang nasabing tunnel kung saan na-trap ang mga biktima matapos daw nag-treasure hunting ang mga ito.
Ginawa umano ang paghuhukay sa isang residential area sa Purok 1, Barangay Kinamayan sa nasabing lalawigan.
Ilan sa mga na-trap ay nakilalang sina Kayl Castanares, Jerick Marquez, Dindo Panares at Rustom Rancho.