Arestado ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang apat na babae sa isinagawang buy bust operation sa may Quirino Ave., corner Lim Compound, Manggahan St., Brgy. San Dionisio Parañaque City, kagabi.
Nasabat sa posisyon ng apat na umano’y drug pushers ang nasa mahigit kalahating milyon halaga ng illegal na droga.
Kinilala ni NCRPO chief M/Gen. Vicente Danao ang apat na babaeng tulak ng iligal na droga na sina Myla Rodolfo, 43, junk shop helper; Maria Elena Conche, 60; Gina Magyani, 57, at Annalyn Dela Cruz, 33, pawang mga residente ng Paranaque City.
Sinabi ni Danao, nasa 75 grams ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa mga suspeks.
Ang mga iligal na droga ay na-turn over na sa crime laboratory para isailalim sa chemical analysis.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa sa mga arestadong suspeks .
Pinuri naman ni Danao ang matagumpay na operasyon ng SPD sa pamumuno ni B/Gen. Jimili Macaraeg.
“I commend the successful anti illegal drug effort of our men which led to the successful arrest of these drug suspects and confiscation of more than Php 500K worth of suspected illegal drugs. This once again proved that despite the global health crisis, NCRPO still works hard to deliver serbisyong TAMA: TApat, may tapang at MAlasakit sa mamamayan,” wika pa ni Gen. Danao.