-- Advertisements --

Nangako ang Bill & Melinda Gates Foundation na magpapaluwal ng $4 million upang maibsan ang kakulangan ng syringes na ginagamit sa COVID shots.

Ang naturang halaga ay bilang tulong sa Kenyan manufacturer Revital Healthcare para umabot sa triple ang produksiyon.

Sinasabing ang napipintong kakulangan ng mga heringgilya at iba pang supplies ay pinangangambahang makaapekto sa rollout ng COVID vaccines lalo na sa mga mahihirap na bansa.

Sa ngayon pinagtutuunan ng pansin ang alokasyon sa Africa dahil nasa 6% pa lamang sa popolasyon ang mga fully vaccinated.