-- Advertisements --

Aabot sa 383 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras ang naitala ng Phivolcs sa Taal Volcano.

Dahil sa “increased unrest” sa Taal Volcano, nanatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 para rito.

Sa kanilang April 14 bulletin, sinabi ng Phivolcs na sa 383 volcanic earthquakes 283 rito ang volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 12 minuto, 143 ang low-frequency volcanic earthquakes, at low-level background na nagsimula noong Abril 8.

Sinabi rin ng Phivolcs na may upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake kahapon at nakapag-generate ng 300 meter na taas ng steam laden plumes.