-- Advertisements --
Nasa 37 katao ang nasawi sa naganap na stampede sa isang army recruitment drive sa isang stadium sa Congo-Brazzaville.
Karamihan sa mga nasawi ay tinangkang makalabas ng stadium na nagresulta sa stampede.
Noong nakaraang linggo kasi ay nag-anunsiyo ang Congo army na sila ay magrerecruit ng nasa 1,500 na sundalo na edad 18 hanggang 25.
Maraming mga indibidwal rin sa lugar ang nasugatan dahil sa insidente na dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing insidente.