-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Education na nasa mahigit 8000 mga paaralan ang apektado matapos tumama ang malakas magnitude 7 na lindol.

Kinumpirma ng DepEd na nasa 35 paaralan ang nasira mula sa 15 school division offices sa Luzon.

Nasa 11 eskwelahan dito ay mula sa Region 3 o Central Luzon, 9 mula sa Region 2 o Cagayan Valley, 8 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 7 paaralan naman ang nasira sa Region 1 o ilocos Region.

Ito ay base sa initial Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS).

Lumalabas sa naturang report na ang inisyal na tinatayang halaga para sa reconstruction at rehabilitation ng mga nasirang paaralan ay nasa P228.5 million.

Ayon sa DepEd, ang mahigit 8000 paaralan na apektado ay nasa lugar na pasok sa instrumetal intensity ng Earthquake information ng Phivolcs o nakapagtala ng casualties.

Nagpatawag naman ang kagawaran ng emergency meeting sa regional at dicision DRRM coordinators ng mga apektadong rehiyon para sa updates at response actions ng kanilang opisina.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa field DRRM coordinators para makakuha ng updates sa bilang ng mga apektadong mag-aaral, guro at non-teaching personnel.