Aabot sa 3,410 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw ng Linggo, ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas sa 2,787,276.
Sinabi ng kagawaran na ang mga naitalang bagong COVID-19 cases sa ngayon ay ikalawa sa pinakamababang daily number ng infections na napaulat mula noong Agosto.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 5,825 recoveries, dahilan para umakyat ang total recoveries sa 2,698,871.
Nabawasan naman ang mga nagpapagaling pa sa kasalukuyan sa naturang sakit o iyong mga tinatawag na active cases sa bilang na 45,233.
Sa kabilang dako, ang death toll naman ay pumalo na sa 43,172 makalipas na 128 pang COVID-19 positive ang namatay dahil sa naturang sakit.
















