Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito.
Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang sa 1,000 kompanya.
Sa ngayon, 100 kompanya na ang nag-apply sa programa kung saan 30 dito ay aprubado na.
Sinabi ni Lopez na walang interest ang pautang na ito sa mga kompanya pero mayroon lamang management fee na 4 percent.
Kasabay nito ay ipinapaalala ng kalihim na mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa.
Para naman sa mga kompanyang hirap na magampanan ang mandatong ito, maaari lamang aniyang mag-apply online sa loan program ng DTI.
















