-- Advertisements --
image 521

Nakauwi na ng ligtas dito sa bansa ang 3 Pilipino na bikima ng human trafficking sa Myanmar.

Narecruit umano ang mga ito bilang call center sa Thailand subalit ipinadala ang mga ito sa Myanmar at pwersahang pinagtrabaho bilang love scammers sa isang cryptocurrency trading.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, katulad ng mga nagdaang mga biktima ng human trafficking, ang 3 Pinoy na hindi na pinangalanan pa ay sinundo umano at sumakay sa isang van at dinala sa Mae Sot sa Thailand kung saan tumawid sila sa border patungong Myanmar.

Sa Myanmar, sinabi ng Commissioner na tinatarget sa naturang scam ang mga American nationals at Europeans para mag-invest sa pseudo cryptocurrency accounts.

Ang masahol aniya dito, binigyan ng lingguhang quota ang 3 biktima at kapag nabigo silang maabot ang quota, paparusahan sila ng pisikal gaya ng push ups at jump squats.

Pwenersa din aniya ang 3 biktima na magtrabaho ng 16 hanggang 18 oras kada araw. PInayagan lamang aniya silang makauwi sa PH matapos na magbayad ng P90,000 bawat isa sa kanilang employers.

Kaugnay nito, muling nagbabala si Comm. Tansingco