-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang pag-araro ng isang trailier truck ang 2 motorsiklo , 1 kotse at 1 AUV sa Batasan-San Mateo Road sa lungsod ng Quezon.

Nangyari ang insidente pasado 11:30 gabi nitong Mayo 28.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang 38-anyos na driver ng truck.

Base sa inisyal ng imbestigasyon na biglang nawala ang kapit ng kaniyang preno kaya nawalan ito ng kontrol.

Dahil sa insidente ay nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoirdad.