-- Advertisements --

Tatlo ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa isang residential building sa Rizal Avenue, West Bajac, Olongapo City.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang alas-6:00 kaninang umaga nang sumiklab ang sunog.

Bigla na lang umano nagliyab ang auto supply sa gusali at mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa umakyat sa ikalawang alarma.

Sinabi naman ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. na hindi nakalabas sa nasunog na gulasi ang mga biktima kaya binawian ang mga ito ng buhay.

Pasado alas-8:00 kaninang umaga nang ideklarang fire-out ang sunog.

Nakilala ang tatlong casualties na sina: Marrian Panganiban, 25;
Ricardo Panganiban, 27; at Aira Panganiban dalawang taong gulang.

Ayon kay CInsp. Arvin Christian Santos ng BFP, dalawang pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog.

Iniimbestigahan na rin sa ngayon kung magkano ang halaga ng pinsala sa pangyayaring ito.

Nakilala naman ang may-ari- ng building na si Nida Cureg.