-- Advertisements --

LA UNION – Umabot na sa 20 ang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa La Union.

Ito ay matapos na nagpositibo ang isang 3 month old baby na taga-Barangay Biday, 75, na lola na taga-Barangay Tanqui sa siyudad ng San Fernando; at ang 88-year-old na lolo na mula sa Barangay Nagrebcan sa bayan ng Luna.

Mula sa nasabing bilang lima ang nasa hospital, isa ang naka-home quarantine, apat ang namatay at 10 na ang gumaling.

Sa ngayon nananatili pa rin sa pagamutan ang mga nasabing pasyente.