-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) ang tatlong magsasaka na naaktuhang nagsusugal sa Lapogan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga ito na sina Arnel Manalo, 29; Valentino Allapitan, 45, binata; ay isang 63-anyos na babae.

Pawang mga benepisyaryo ang mga ito ng social amelioration program ng pamahalaan.

Sa ngayon, inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa sa naarestong mga indibidwal.