-- Advertisements --

Nasawi ang tatlong katao habang 15 naman ang naitalang sugatan kasunod ng panibagong missile attack ng Russia sa may central Ukarinian city ng Dnipro ayon sa regional governor ng Ukraine.

Ayon kay Regional Governor Valentyn Reznychenko, tinamaan ng naturang missile sa industrial plant at sa karatig na lugar at kasalukuyang tinutukoy pa ang lawak ng pinsala dahil sa pag-atake ng Russia.

Nasa apat mula sa anima na missiles atack ang naharang ng Ukrainian military na tumama sa kabisera at rehiyon.

Ayon sa Ukrainian air force, isang X-101 missiles mula sa Tupolev-95MS strategic aircraft ang pinakawalan ng Russians sa northern part ng Caspian Sea.

Ang naturang missiles ay may range na 5,500 kilometers at bilis na 720 kilometers per hour.

Kabilang sa naitalang namatay ay isang city bus driver at transportation official.