-- Advertisements --
Nasawi ang tatlong hikers sa pagsabog ng Mount Dukono volcano sa Indonesia ngayong Biyernes, Mayo 8.
Nasagip ng rescuers ang lahat ng survivors mula sa grupo ng 20 hikers, na nawala matapos ang pagsabog.
Karamihan sa kanila ay inilikas na mula sa bundok, subalit naiwan ang dalawa para tumulong sa paghahanap sa mga labi.
Ayon sa mga opisyal, nag-hiking ang grupo, kabilang ang siyam na Singaporeans, patungo sa bulkan sa kabila pa ng umiiral na climbing ban.
Batay sa Volcanological Survey ng Indonesia, sumabog ang bulkan alas-7:41 ng umaga local time, na nagbuga ng makapal na abo sa kalangitan.
Ang Dukono ay isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Indonesia at tanyag ito na dinarayo ng mga hiker at turista.










