-- Advertisements --

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal.


Tinatayang nasa higit P800,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspeks.

Nagpanggap ang isang agent ng PDEA na bibili ng P4,000 halaga ng shabu sa isa sa mga suspek sa nasabing lugar.

Matapos ang transaksiyon ay hinuli agad ang mga suspek.

Bukod sa drogang nagkakahalagang P863,600, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang kotse at pulang pouch.

Inaalam na rin kung may kuneksiyon ang tatlo sa isang drug group na nagsusuplay ng iligal droga sa Antipolo at mga karatig-lugar.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong suspeks.