-- Advertisements --

Arestado ang tatlong dayuhan sa anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Pasig.

Nakuha sa mga suspek ang ilang sachet na naglalaman ng marijuana at nagkakahalaga ng P60,000.

Nakarekober rin ang mga otoridad ng dalawang bundle ng mga pekeng $100.

Hindi naman naabutan ng PDEA ang target ng operasyon na nakasaad sa search warrant na inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 152 na si alyas “Godwin”.

Naabutan lamang ang dalawang Nigerian at isang Liberian sa bahay na target ng operasyon.