-- Advertisements --

Arestado ang tatlong babae matapos na makuhanan ng ilang milyong droga sa Bacoor, Cavite.

Sinabi ni Brg. General Vicente Danao, regional director ng Calabarzon police, kasama nila ang PDEA, QCPD, NCRPO at Cavite PNP sa pagsasagawa ng anti drug operations.

Matapos ang matagumpay na transakyon ay naaresto na ang mga suspek.

Hindi bababa sa P36 milyon ang halaga ng nakumpiskang droga sa mga suspek.

Inaalam pa ngayon ng mga kapulisan kung may ilang mga kasamahan pa ang mga naarestong suspek.