-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tatlong anggulo ang sinisiyasat ng Special Investigation Task Force sa pagkawala ni Police Senior Master Sgt. Antonino Agonoy, 42 anyos, nakatalaga sa Cabatuan Police Station at residente ng San Mateo, Isabela.

Unang iniulat ng pamilya sa pulisya nong June 5, 2022 nang hindi na umuwi sa kanilang bahay si PSenior Master Sgt. Agonoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Lorvin Layugan, Hepe ng Cabatuan Police Station na nagpapatuloy ang kanilang pagsusuri sa mga kuha ng CCTV Camera sa Cabatuan at Cauayan City kung saan natagpuan ang NMAX motorycle nito.

Sinabi ni PMajor Layugan na mayroong binuong Special Investigation Task Force ang IPPO na siyang mangunguna sa imbestigasyon.

Ayon pa kay PMajor Layugan na mayroon nang tatlong anggulong sinisiyasat ang Special Investigation Task Force ng IPPO kaugnay sa pagkawala ng naturang pulis

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa pamilya ni Police Senior Master Sgt. Antonino Agonoy para makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

Masipag anyang Chief Intel si Police Senior Master Sgt. Agonoy ng PNP Cabatuan, Isabela.