-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan pang pinorposeso ang mga papeles ng indemnification para sa mga poultry raisers na isinailalim sa culling ang mga alagang manok, itik at patu bunsod ng bird flu virus..

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dra. (Doctora) Belina Barbosa, Provincial Veterinarian ng Isabela na hinihintay pa nila ang payment mula sa DA Central Office .

Sinabi ni Doktora Barbosa na ang pinakahuli naitalang kaso ng bird flu ay sa bayan ng Alicia noong ikaanim ng Mayo , 2022 at wala nang sumunod na naitala.

Isang commercial layer farm ang naapektuhan ng bird flu at umabot sa 2,700 ang isinailalim sa culling.

Nagsagawa sila ng tuloy tuloy na surveillance sa paligid ng commercial layer farm at wala nang nagpositibo sa laboratory result.

Samantala, sa barangay Marabulig Dos, Cauayan City ay umabot 468 heads ng Manok, itik at patu ang isinailalim nila sa culling upang maiwasan ang pagkalat ng birdflu.

Aabot din sa dalawamput walong poultry raisers ang naapektuhan at umaabot sa apatnaput pitung libong piso ang halaga ng nacull na mga alaga.

Bukod anya sa ASF outbreak sa walong rehiyon ng bansa ay mayroon ding nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ang sanhi ng pagtaas sa presyo ng karne ng manok.

Umaabot na sa 200 pesos ang kada kilo ng live weight habang ang dress chicken ay nasa 250 pesos per kilo habang ng presyo ng itlog ay kaunti lamang ang itinaas

Marami pa naman anya ang tustos ng karne ng manok at itlog sa mga palengke batay sa kanilang monitoring.