-- Advertisements --

Nasa 260 na umanong inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) ang nagpositibo sa COVID-19 habang 21 dito ang nasawi.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Col. Gabriel Chaclag, spokesman ng Bureau of Corrections (BuCor) na kung tutuusin ay maliit na bilang lamang ito mula sa libu-libong nakakulong sa NBP.

Ayon kay Col. Chaclag, kabilang sa nasawi ang siyam na high profile inmates na kinabibilangan ni Jaybee Sebastian na convicted druglord.

Kasabay nito, iginiit ni Col. Chaclag na mayroon silang koordinasyon sa local government unit (LGU) partikular sa Muntinlupa City at sa Department of Health (DOH) kapag may nagpopositibo sa COVID-19.

Pero aminado si Col. Chaclag na malaking hamon sa kanila na makontak ang lahat ng mga kamag-anak ng mga inmates na nagkakasakit dahil marami sa kanila ay hindi na bumibisita sa NBP.