-- Advertisements --
Nasawi ang 26 na pasahero habang mahigit 85 naman ang napaulat na sugatan matapos magkabanggaan ang dalawang tren sa northern Greece.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng search and rescue operations sa mga survivor at inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa trahedya.
Puspusan din ang ginagawang pag-apula sa sumiklab na sunog dahil sa banggaan ng dalawang tren.
Ayon kay Greek Fire Service spokesman Vassilis Varthakogiannis, mahigit 350 pasahero ang lulan ng passenger train nang bumangga ito sa freight train sa may area ng Tempi, central Greece malapit sa kabisera ng Larissa.
Ang naturang passenger train ay mula sa Athens patungong Thessaloniki.
patuloy pa rin na inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng collision