-- Advertisements --
Iniulat ng Russian Defense Ministry na aabot sa 26 na mga Ukranian drones ang pinabagsak ng Russian anti-aircraft units sa bahagi ng Crimean peninsula.
Ayon sa naturang defense ministry na ito ay naganap sa pagitan ng alas-8:30pm hanggang alas-10:30pm nitong Biyernes.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sinabi ng Russia-installed governor sa southern Kherson na nakubkob na Moscow Vladimir Saldo na mayroon ding pinabagsak na 15 aerial targest ang Russian anti-aircraft units malapit sa bayan ng Henichesk.
Kung maaalala, ang sigalot na ito sa pagitan ng Russia at Ukraine nasa mahigit isang taon na ang itinatagal na kumitil naman sa buhay ng maraming mga indibidwal mula sa magkabilang panig.