-- Advertisements --
image 174

Nananatili pa rin sa Gaza ang 26 na Pilipino kung saan 10 dito ay nakatakdang lumabas at tumawid sa border patungong Egypt sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, inaantay na lamang ng mga Pilipino doon ang kanilang exit permits na maberipika bago makapasok ang mga ito sa Eypt.

Subalit inamin ni USec. De Vega na ang problema ay nais nilang dalhin ang kanilang mga asawang Palestinian national na walang pahintulot mula sa Israeli authorities subalit pinayagan naman sa mga naunang repatriates.

Sa ngayon, ayon sa DFA official nasa kabuuang 10 Pilipino na mula sa Gaza ang nakauwi sa PH mula sa Egypt.

Sinabi din ni USec. de Vega na bumabalangkas na ng plano ang pamahalaan para matulungan ang mga Pilipino at kanilang mga asawa mula sa Gaza na ma-resettle dito sa PH.