-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng mga awtoridad ang seguridad ng tinatayang nasa 250,000 devotees ng Black Nazarene na nakibahagi sa Traslacion sa Cagayan de Oro City simula kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay City Police Director Col. Henry Dampal, sinabi nitong umiiral sa ngayon ang signal shutdown upang makaiwas na rin sa mga nagaganis na isabotahe ang naturang event.
Nagsanib puwersa aniya sa ngayon ang militar at pulisya upang sa gayon ay hindi makalusot ang mga may masasamang balak.
Hindi aniya sila nagpapakampante kahit walang natatanggap na seryosong banta ng seguridad ang intelligence community ng PNP at AFP.