-- Advertisements --
Aabot sa 250 na overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang naghihintay na ma-repatriate o maiuwi sa bansa.
Sinabi ni Philippine Consul General in Hong Kong Raly Tejada, nawalan ng trabaho ang mga OFWs dahil sa epekto ng COVID-19.
Ayon kay Tejada, maaring makauwi na sa bansa ang mga OFWs sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo.
Nakikipag-ugnayan na umano ang konsulada sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapauwi sa mga OFWs.
“Meron naman pong naghihintay na 250 po na kababayan natin na stranded sa Hong Kong. Yun po ang ginagawan natin ng paraan na sana mabigyan sila ng pagkakataon na makauwi sa ating bayan sapagkat patuloy po ang pagkakansela ng mga flights mula Hong Kong patungong Manila,” ani Amb. Tejada.
















