-- Advertisements --

Balik Pilipinas na rin ang 248 Pinoy crew ng MSC Divina na ni-repatriate ng pamahalaan mula Miami sa Estados Unidos.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, first batch pa lang ang naturang bilang mula sa mga naka-schedule na Pilipinong uuwi ngayong araw.

Alas-6:00 nitong umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang chartered flight sakay lulan ang repatriated Pinoys.

Bago sila bumaba ng eroplano ay isinailalim daw muna ang mga ito sa mandatory medical inspection ng Bureau of Quarantine.

Agad din daw dinala ang mga repatriates sa isang quarantine facility.