-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dinala agad sa cold storage facility sa Cotabato City ang Sinovac vaccine para sa rehiyon-12 na dumating sa Awang Airport Datu Odin Sinsuat Maguindanao

Sinabi ni Department of Health (DOH-12) Regional Director Dr.Arestides Tan na umaabot 17,907 na vials ang unang ipinadala ng DOH National para sa kanilang medical frontliners sa 23 refferal hospital sa buong rehiyon.

Maraming mga Health Workers na rin ang nagpahayag na handa na silang magpabakuna.

Ngayon araw ay ipamahagi ang Sinovac vaccine sa mga ospital sa rehiyon-12.

Kabilang ang Cotabato City na mabigyan ng vaccine para sa mga health workers ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) na meron 2038 na vaccine habang mahigit sa dalawang daan naman sa Cotabato Sanitarium.

May ilang mga Frontliners rin karamihan mga matatanda ang nagdadalawang isip na magpabakuna ng Sinovac dahil mas gusto nila ang Astrazeneca vaccine.

Magsisimula na rin ngayong araw ang Rollout vaccination ng mga medical frontliners .