-- Advertisements --

Darating sa bansa ngayong araw ang mga 21 Filipino seafarers na nailigtas sa mul sa barko na inatake ng mga Houthi rebels.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na ang 21 sa 22 Pinoy seafarers ng MV Tutor ay nailigtas at dumating na sa Port of Manama.

Sinalubong sila nina Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis aat DMW Labor Attaché Hector Cruz.

Magugunitang noong nakaraang Miyerkules ng atakihin ng mga Houthi rebels ang Liberia-flagged coal carrier habang nasa Red Sea.

Patuloy din na pinaghahanap ng mga otoridad ang natitirang Filipino crewman na pinaniniwalaang na-trap sa engine room ng barko.