-- Advertisements --

Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.

Ang active cases naman sa ngayon ay nasa 9,729 ang bilang, kung saan 42.9 percent ang mild o asymptomatic.

Sa kabuuan, mayroon na ang Pilipinas na 2,837,577 confirmed COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 2,777,109 ang gumaling na pero 50,739 naman ang namatay.