Bagaman ang naturang laban ay itinuturing na warm-up pa lamang bago ang pagsisimula ng regular season, naging agresibo ang French prodigy sa kanyang unang laban matapos siyang magbulsa ng 20 points.
Nakuha ni Wembanyama ang 20 points sa pamamagitan ng 8-of-13 shooting sa loob lamang ng 19 mins, 22 sec na paglalaro.
Maliban dito, tumipa rin si Wemby ng limang rebounds, dalawang steal, at isang block.
Sa likod ng magandang performance ng Spurs star, tinalo pa rin sila ng Oklahoma City sa pamamagitan ng isang puntos: 122 – 121.
Sa pinakauna niyang laro, sinabi ng French prodigy na ‘satisfied’ siya sa kanyang naging performance.
Maalalang nakuha ng San Antonio si Wembanyama sa nakalipas na draft. Siya ang itinuturing na pinakamalaking atletang pumasok sa NBA sila noong rookie si 4-time NBA Champion, Lebron James.