Isinasapinal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang breakdown ng proposed national budget para 2021.
Magugunitang P4.506 trillion pesos ang panukalang budget na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na taon.
Sinabi ni Budget Sec. Wendel Avisado, pinakamalaking bulto pa rin ng budget ay ilalaan sa social services sector kung saan prayoridad ang mga health-related programs gaya ng implementasyon ng Universal Health Care Act, pagbili ng COVID-19 vaccines, personal protection equipment (PPEs) at iba pa.
Ayon kay Sec. Avizado, kabilang din dito ang mga education-related programs gaya ng implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education at ang Basic Education Learning Continuity Plan progam lalo na ngayong nasa gitna ng health crisis ang Pilipinas.
Ang economic services sector ay nananatili ring prayoridad sa budget para sa pagpapatuloy na pag-invest ng pamahalaan sa public infrastructure, pagsuporta sa Information and Communications Technology ng bansa para sa pagpapaigting ng Wi-Fi, broadband infrastructures at development ng online systems patungo sa “new normal.”
Ngayong nasa gitna ng pandemic ang bansa, ang proposed 2021 budget ay bibigyang prayoridad rin ang mga government programs para sa pagpapaigting ng productivity ng agrikultura, fishery sector, recovery Micro, Small Medium Enterprises (MSMEs) at local industry.
Inihahanda na rin ng DBM ang mga kinakailangang dokumento na isusumite sa Kongreso bago ang constitutional deadline sa Agosto 26.















