-- Advertisements --
Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang panukalang P4.5-trillion national budget para sa 2021.
Kinumpirma ito House committee chair Eric Yap matapos ang dalawang linggong deliberasyon.
Sinabi ni Cong. Yap, naaprubahan ang panukalang national budget sa kanilang executive meeting kahapon.
Ang panukalang 2021 national budget ay mas mataas ng 9.9 percent sa kasalukuyang budget na P4.1 trillion.
Una ng inihayag ni Budget Sec. Wendel Avisado nung isinumite ang 2021 National Expenditure Program sa Kamara na ang budget sa susunod na taon ay nakatuon sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
















