-- Advertisements --
image 210

Minomonitor ng NBA best team na Milwaukee Bucks ang kalagayan ni 2021 NBA Champion Giannis Antetokounmpo, matapos itong bumagsak sa hard court kanina sa naging laban nila ng Miami Heat.

bago kasi matapos ang unang quarter sa kanilang laro kaninang umaga, bumagsak si Giannis habang tinatangka nitong mag-dunk sa ring. Sinubukan siyang i-screen ni Kevin Love ngunit sa proseso ay natipa nito ang mga paa ni Giannis hanggang sa bumagsak siya ng malakas sa hardwood.

dahil dito ay nagtawag ang referree na foul. naipasok rin ni Giannis ang isa sa dalawang free throws ngunit agad ding umalis at hindi na bumalik sa pa sa game.

sa naging statement ng headcoach ng Bucks na si Mike Budenholzer, sinabi niyang mayroon nang inilabas na X-ray result, at posibleng may lower back contusion si Giannis.

Gayonpaman, hindi pa rin malinaw kung magtatagal pa bago muling makakabalik si Giannis o kung makakabalik pa siya sa kabuuan ng pitong Playoff series laban sa Miami.

dahil sa pakatalo, hawak ng Bucks ang kartadang 0-1 pabor sa Miami.

Si Giannis ay isa sa tatlong pinagpipilian upang maging best player ng NBA o league MVP ngayong season. Kasama niya sa nasabing kategorya sina Joel Embiid, at Nikola Jokic ng Denver Nuggets