Inanunsyo ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pagkakaroon na rin niya ng sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa London.
Ito’y kasabay ng kanyang 26th birthday ngayong araw.
Ang Bicolana-Australian beauty ang pangatlong Filipino celebrity na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds.
Una itong papasinayaan sa bansa, bago irarampa sa Madame Tussauds museum sa Singapore, Bangkok, at huli sa Hong Kong.
Kung maaalala, si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pinakaunang Pinay na nabigyan ng wax statue sa Madame Tussauds noong 2018.
Sa sumunod na taon naman ay isinali na rin ng Madame Tussauds Hong Kong sa kanilang “pool of Filipino wax figures” si Sen. Manny Pacquiao at nakatakdang ilabas ngayong taon.
Samantala, maliban sa kanyang hosting stint ay inilaan din ni Gray ang kanyang “special day” sa charitable works.