Nagpahiwatig ang dating beauty queen na si Janine Tugonon na babalik sa bansa sa kabila ng coronavirus pandemic.
Ito’y para sa nalalapit na pinakaunang coronation ng Miss Universe Philippines sa darating na October 25.
Base kasi sa mga online posts ng 30-year-old pure Pinay model, hindi raw nito kayang tanggihan ang kanyang pageant mentor na si Jonas Gaffud.
Si Gaffud ang siya na ngayong creative and events director ng MUP organization.
Kung maaalala, inirampa ni Tugonon ang “cobra walk” sa kanyang Miss Universe stint noon 2012 kung saan siya ay tinanghal na first runner up.
Kinoronahan namang Miss Universe ang pambato ng Amerika na si Olivia Culpo.
Nabatid na isang taon lamang nang lisanin nito ang Pilipinas ay naging permanent resident na siya sa US matapos makakuha ng “green card.”