Sinariwa at inalala ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang naging pahayag nito sa kaniyang unang pagdalo sa 7th ASEAN Summit nuong November 2001 na ginanap sa Brunei, Darrussalam.
Ito’y kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng 2022 ASEAN Summit sa Cambodia na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Arroyo, higit na pinatatag ng ating national interest ang malalim at napakatagal nang pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Giit ng dating pangulo, ito ang matibay na pundasyon ng tinatawag aniyang Asean Regionalism at nararapat lamang na isantabi na ang anumang di pagkakaunawaan at mas pagtuunan ng pansin ang mga usaping higit na magpapalakas at magpapasigla sa relasyon ng mga nasyong kabilang sa Asean.
Samantala, sa pagdating ng Pangulong Marcos sa Cambodia inihayag ni Speaker Martin Romualdez na kabilang sa delegasyon ay agad nakipag pulong ang Pangulo sa Cambodian Business leaders sa pamamagitan ng breakfast meeting.