-- Advertisements --
CEBU CITY – Nasa isang holding facility ngayon ang 20 indibidwal na nahuling naliligo sa dagat at sapa sa Talisay, Cebu kahit may ipinatutupad na mga panuntunan dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa ulat, pito sa kanila ang nahuli sa Sitio Baybay habang ang 13 ay naaktuhan sa isang sapa sa Bulacao.
Bukod sa mga ito, may nahuli rin daw na 12 iba pa, kasama na ang isang menor de edad sa Mactan, Lapu-Lapu City matapos namang lumabag sa curfew at no swim policy ng lungsod.
Nasa Mactan Police Station naman ang mga ito at nakatakdang pagmultahin ng P1,000 para makalaya.