-- Advertisements --

Hataw na agad si Sen. Manny Pacquiao sa rehearsal nito, dalawang linggo bago ang kanyang first ever major concert.

Simula kahapon nang mismong si Pacman ang nagpo-post ng kanyang rehearsal videos sa pamamagitan ng tinatawag na IG stories, at hanggang ngayo’y usap-usapan sa internet.

Ayon sa Pinoy ring icon, gagawin niya ang kanyang “best” kahit hindi niya sigurado kung siya ba ay magtatagumpay sa concert kasama ang live band.

“I’m about to sing and practice for my concert on September 1. I don’t know if I can do it. I can do this but I’ll try, I’ll do my best,” saad nito.

Kabilang sa mga sinasanay ni Manny ay ang hit song na “Buwan” ni Juan Karlos.

Itinakda ng fighting senator ang naturang libreng show sa darating na September 1 sa Araneta Coliseum na paraan daw niya bilang pasasalamat sa mga fans.